Sa General Information Quiz Bee, naging dikit ang laban sa pagkuha ng unang pwesto, ngunit, matagumpay kaming napanaluhan ito, nakuha namin ang unang pwesto. Capital Cities & Landmarks, dito naman, basahin mo pa lang ang pangalan, parang maluluha ka na lang, dahil napakaraming syudad at landmarks sa mundo. Gayunpaman, nasungkit namin ang ikatlong pwesto sa paligsahan na ito. Flag Identification, dito, mainit ang labanan, umabot sa tie-breaker, pabilisan ng kamay at kung sino ang maunang magtaas nang tamang sagot, siyang tatanghalin na panalo. Nanalo pa rin kami rito, nakuha namin ang ikatlong pwesto sa paligsahan. Sa spelling bee contest naman, hindi namin inaasahan na mananalo pa rin kami, napansin kasi namin na marami na ring maling sagot ang aming kaklase, pero mali rin pala kami, naging matagumpay pa rin ang aming seksyon. Nasungkit ng aming dalawang kaklase ang pangalawa at pang-anim na pwesto sa paligsahan.
Naging matagumpay ang aming seksyon sa paligsahan, hindi namin ito inaasahan, dahil konting panahon lang ang nilaan namin para sa mga paligsahan na ito. Kumbaga, parang stock knowledge na lang at konting review ang ginawa, at bahala na si batman, kung paano ang resulta. Gayunpaman, naging matagumpay kami, salamat sa mga kaklase naming halos maubos na ang boses sa pagsigaw, kapag tama ang sagot namin. Ramdam ko ang inyong suporta, ibinibigay ko sa inyo ang lahat ng credit sa pagkapanalo ko sa paligsahan. Salamat din sa mga guro na nanguna sa paligsahan, lalo na kay Ma'am Kesha Diano. Ito ay isang magandang karanasan, para sa aming mga estudyante ng paaralan.
Credits: Seve Albert Paglinawan |
Comments
Post a Comment